Money money money

Sabi ng kaibigan ko mahirap daw talagang kumilos ng wala kang sarili mong pera noh?

Bakit naman?  Pag ba mglakad ka jan o tumakbo ka gang don may bayad ba?  (Biro ko,  panira lang ng moment nya hahaha)

Sira di ganon,  ibig kong sabihin pag may gusto kang gawin dmo mgawa kasi nga wala kang pera.  Pag naman nghingi ka ng tulong sa knila cl nmn ngdedesisyon para sayo,  yung tipong wl kng desisyon sa sarili mo.  Yung ganon pards gets mo ba? (Tanong nya sakin)

Tahimik lang akong nkikinig kasi alam ko na ang hanap lng nya sa ngyon ay taong mkikinig lng sa knya khit di ka magsalita buong kwento nya malaking tulong yun sa feelings nya. Tumango lng ako sa tanong nya.

Alam mo yun pards parang lahat ng gagawin mo lahat ng binabalak mo parang di mgiging successful para tuloy failure ang dating mo.  Sakit sa dibdib nun db?  Kung dalaga ko baka naisipan ko ng umalis di nlng sila pansinin at gawin nlng ang gusto ko kso may anak ka may asawa na kailangan mong intindihin at isipin.

Pag ba mhina ang loob mo prang wl k ng karapatang lumakas ang loob mo pr gawin ang hamon sa buhay mo?  Anu yun plagi nlng ba ko cguradong mbibigo sa gusto kong gawin?  Ganun ba yun pards?  Komo sa knila ko hihingi ng tulong ng financial dapat ba sila mgdedesisiyon lhat ng gagawin ko hindi pepedeng ako sa sarili ko pr nmn mgkaroon ako ng tiwala khit na konti lng sa sarili ko,  yung ganon pards.

Naiintindihan ko nmn sila eh na gusto nila kong tulungan na gusto nila yung gagawin ko eh cgurado pero kailangan ba cl gagawa ng desisyon pr skin.? Anu yun pards prang yung mgiging desisyon ko ba e cguradong mali lagi bang ganun? So anong purpose ko sa buhay sunod sunudan lng ganun ba pards?

Alam mo minsan di ko na alam san ako lulugar eh. Tapos madidinig mo ang pag-asa dw nila sa buhay e yung kapatid mo. Tapos mapfeel mo ngyon parang sayo wl clng pag-asa kc nga ganto lng ako na lahat ng sabihin nl dapat gawin mo.  Dapat ganto dapat ganyan gawin mo. Tpos sasabihin sayo walang mngyayari sayo pag ganyan ka?  Ano ba ko di susi?

Tahimik lang ako na nkikinig at habang nkikita ko cyang naluluha prang nsasaktan din ako sa sitwasyon nya.  dahil kung ako man ang nasa sitwasyon nya eh di ko din alam saan ako lulugar.

Parehas lng kmi natahimik.

 

Advertisements

Paano ba?

tahimik kang nakaupo may hawak kang bolpen na umiikot ikot sa daliri mo,  panay ang buntong hininga mo,  iniisip mo kung anu ba ang plano ng Diyos sayo pero naniniwala ka nmn na may magandang plano sya sayo ngunit hindi mo pa makita kahit anong bakas para sa landas na para sa iyo.  kahit nga ang gusto mo mismo ay hindi mo pa alam, kaya cguro wala pang linaw ang lente ng universe para sayo.

sabi mo nga marami kang pangarap,  ngunit lahat ng iyon ay hindi mo pa magawa dahil pinanghihinaan ka ng loob.

masakit sa dibdib na may gusto kang gawin ngunit hindi mo naman magawa ng basta-basta dahil madaming nakapaligid sayo,  kokontra sa binabalak mo pa lang,  yung tipong naiiyak ka nalang dahil feeling mo wala silang tiwala sayo na parang pinaparamdam sayo na wala kang kayang gawin na baka hindi mo makaya masasayang lang ang oras, panahon, pera,  yung ganun ba.

ang hirap pala. ang sakit sa puso hindi ka masyadong makahinga dahil humihikbi ka.  ayaw mo mang umiyak ngunit kusang pumapatak nalang ang luha sa mga mata mo.  masakit dahil pinipigil mong wag ilabas ang nararamdaman mo,  pero sabi nila pag iniyak mo daw ang sakit sa puso magiginhawahan ka daw pero parang panandalian lang naman,  nanjan pa din naman ang sakit ang luha hindi mo padin naman magawa ang mga bagay na gusto mo yung para kang “prison without wall” .

papaano mo makikita ang tamang landas mo, papaano lilinaw ang lente ng universe mo,  papaano mo mararamdaman ang sinyales ng mapayapang hangin sa puso mo?

wag kang mag-alala kaibigan may planong maganda si God sayo sa tamang panahon tiwala lang,  kapit lang at higit sa lahat wag kang bibitiw sa kanya ☝ .